by Miffster » Sun Jan 08, 2012 11:37 pm
^Good points.
Sa totoo lang, hindi naman talaga maganda yung sobrang higpit, lalo na sa limitations with regard to things like laptops and video games. Wala naman talaga kami balak magpatupad ng mga pagbabawal lalo na sa laptops. Yung sa consoles, gusto ko nga sana meron uli, kasi dati nang naging parte ng PPF Outings yung PPF Fighting Game Tournaments.
Mahirap lang kasi dun sa console games, me tendency yung ibang tao na mag-shack na lang all the time infront of the console. Same thing with laptops. I'm not saying na masama yun, and most certainly, I'm not forcing anyone to join whatever activity or whatnot, pero ang nangyayari kasi, puro ganun lang sila. So I'm reiterating my point earlier: Ano ang saysay nung asa outing ka nga, wala naman ang diwa mo sa event?
Correct me if I'm wrong, but ALL PPF events are primarily supposed to encourage members to get to know and interact with each other, right? Ang EBs, PPF Parties, Movie Night-Outs and Foodtrips ay ginaganap para magkakilanlan ang mga tao na usually nag-uusap lang online through the forums. So what makes PPF Outings different?
Simple analogy nga eh, asa PPF Party ka, pero asa isang sulok ka lang, nagpi-PSP all day. What's the point na pumunta ka sa Party kung ganun lang ang balak mo gawin the whole time? Nagsayang ka lang ng pera. Makakapag-PSP ka naman kahit saan, kahit sa bahay, pero bakit ka pa nagpupunta dun?
Kaya nga ang gusto naming gawin, magkalinawan na bago pa magpasyang sumama. Yung interaction factor kasi ng events like the Outing, hindi lang sa pag-join sa activities eh, ine-encourage din namin ang lahat na mag-participate sa mga simpleng bagay tulad ng pagtulong sa paghahanda ng pagkain, paglilinis, pagtatawag sa mga members pag kainan na, etc. In reality, yung mga ganung kaliliit na bagay ang mas nagiging substantial interactive opportunities between members. Eh kung asa kwarto ka lang buong araw, nagla-laptop o natutulog, you're missing out on these little yet vital opportunities.
So yeah, kung kelangan nyo magdala ng laptop, ok lang, it's your right. What we're only asking is, sana hindi lang naman puro yun ang balak nyo gawin. Maki-join din kayo sa mga activities ng ibang members. Yun ang essence ng PPF Events eh.
At least that's what I think.
Everyone sees who I appear to be
Yet only a few know the real me
You only see what I choose to show
There's so much you just don't know
- Unknown