Narito na po ang aking kasagutan tungkol sa accommodation sa Camayan Beach Resort.
Superior Room: Php4,000++ for 2 people per night. Php550++ for extra person. Maximum of 5 peoples.
Para fair ang hatian sa bayad ng accommodation, ipinalagay ko na maghahati ang limang tao sa Superior room.
Php4,000 (room rate) + Php1650 (extra 3 people) = Php5650.
Dahil two nights tayo....
Php5650 * 2 = Php11300
Paghahatian ng limang tao....
Php11300 / 5 = Php2260.
I-round up na rin natin para kung sakaling kulangin tayo o mag-adjust 'yung rates dahil peak season, ang isang tao ay kailangang magbayad ng Php2500 para sa accommodation. Ang dami ng rooms na kakailanganin natin ay depende kung ilan ang pupunta. Ganu'n din ang babayaran.
Mas maganda kung meron na tayong attendance list ng mga surecomers para makita natin kung paano natin ito idi-divide by groups. Sabi pa ng Camayan, dapat full payment ang gagawin natin kapag magpapa-reserve na tayo ng mga kwarto.
With this rate, masasabi ko na ang pinaka-safe na budget ng bawat isang tao na pupunta ay Php5000. Accommodation, pamasahe, pagkain, activities, etc.
From this point, may mga bagay tayong pwedeng pagpasyahan:
1) Ayusin na ang mga downpayment dates.
2) Mag-Los Banos na lang tayo.
Iiwan ko na sa inyo ang pagpapasya.
(Pero siyempre mas gusto ko pa rin sa Subic.)Statistics: Posted by jakeyjunkie — Sun Feb 13, 2011 5:36 pm
]]>